Friday, May 18, 2012

Silip sa Boracay; First time sa Plane

Spell excited... capital M-E as in ME.

       Nung marinig ko na papadala daw ko for training sa Kalibo, Aklan sobrang napangiti ako tapos naiisip ko "uy, makakasakay na ko ng eroplane at malapit na un sa Boracay". Kaya super excited talaga ako that time. Every day gusto ko hilahin ung oras para mabilis na matapos at makasakay na ko ng plane.

November 17, 2008:
     This is it! The most awaited day has come. Hindi na ata ako nakatulog 3:00 am palang ready na ko to go takot maiwan ng flight first time eh. Pati parents ko excited din, hatid pa ko at ang daming huling habilin. (parang hindi na ko babalik)

     2 hours before the flight, nasa airport na syempre. Halo-halo nararamdaman ko, excited na kinakabahan na ewan. (hahaha....baka bumagsak ung plane eh).We are just getting announcements about boarding the plane. Tapos un na...its boarding time! Mostly mga koreano kasabay nmen sa plane kaya habang naglalakad papunta sa airplane kung anu-ano naririnig ko na di ko naman naiintindihan. Buti na lang gwapo ang mga stewards na sumalubong samin.

PAL - ganito ung sinakyan namin
      Getting ready for take off! Nakakatuwa panuodin ang mga cabin crews while demonstrating how to use the life jacket and explaining the safety measures while on board. Nawala ang kaba ko sa matatamis nilang ngiti...naks!!! Then unti unti ko na nararamdaman na umaangat na ung plane tapos pagsilip ko sa bintana paliit na ng paliit ang mga nasa paligid hangang sa malawak na dagat na lang nakikita ko then mga ulap na lang....whooaaahhhh...grabe ung feeling, para ka nakasakay sa Anchors Away at Space Shuttle. Ung kasama ko nga ang higpit ng hawak sa rosaryo nya. Nung stable na ung plane ok na ung feeling ko, nawala na sa isip ko na baka mag plane crashed.

     Lalapag na ang eroplano, un sa wakas. Napa-thank you Lord talaga ako. Mas matindi pala pakiramdam pag pababa na parang hinihila ung sikmura mo. Grabe! (manakot ba. hehe.) But it was a fun experience at mas ok na biyahe rather than 12 hours of sitting in a bus, ewan ko lang din pag international flight na kung same lang ang feeling. Then finally very safe naman kaming naka pag landing sa Kalibo, Aklan Domestic Airport.

Dito kami sumakay - naka paglanding na sa Kalibo Airport
 
Kalibo, Aklan Airport
     After namen makuha mga baggages namin diretso na kami sa labas ng airport. Mabuti na lang may susundo pala na crew from the Sampaguita Gardens Resort (see may first blog about this place) kung saan kami mag stay and kung saan din ung venue ng seminar. Napaka organize nila, with matching placard pa ung mga sumundo sa amin, they make sure na hindi maliligaw ung mga guests nila. 

November 18-20, 2008
     Seminar workshop proper. Trabaho muna bago lameyerda pero syempre isinisingit na din during free time. During the seminar nagkakabiruan na magBora daw sa last day of workshop, since malapit na nga naman. Boracay was just 1 hour and half away from our venue. So, nag-overtime kami till 7:00pm ata everyday para matapos ung mga topics to be discussed ng maaga para free na kami sa last day. Then un, nag decide na sumama ang group since day tour lang naman daw un makakaabot pa kami sa flight namin the following day. Since day tour nga lang, as in sisilip lang kami sa Boracay hindi kami prepared wala kami dalang pang-swimming.

     From Sampaguita Garden inihatid kami ng van hangang sa Caticlan port. Tapos bayad kami ng environmental fee at kung anu-ano pang fee dun para makasakay ng boat papunta ng Boracay island. Medyo maalon that time, nakaka panic mode may tubig na pumapasok sa boat at nababasa talaga kami ng tubig pag humahapas sa boat namin ung alon. Then nung makarating na sa kabilang port sakay naman ng tricycle papasok sa isla, medyo malayo layo din, sa Station 3 kasi kami. But all this dilemma was so worth it nung makita ko na ung island, the white fine sands. Wow as in wow talaga. I love beaches at Boracay ung number 1 sa list ko na gusto ko mapuntahan. Sobrang pag-sisi ko na hindi ako nagdala ng pang-swimming. So, wala kami ginawa kundi magtampisaw lang, sight seeing at maglakad mula station 3 to station 1 para mapuntahan ung Groto then shopping shopping ng pasalubong sa D'Mall.

Time's up na. Uwian na daw kung kelan naman nagsisimula palang mabuhay ang nightlife sa Boracay, while walking our way pauwi nakaka amazed ung mga gumagawa ng mga sand art. Sayang talaga hindi kami pwede mag-stay hangang gabi. But of course I still have plan to visit this place again. Di ako papayag na di ko ma-enjoy ang Boracay but for now hangang plano pa lang but we'll never know.


Ang Groto - famous landmark in Bora



posing in the Groto

sa Boracay po talaga yan, hindi lang talaga kami mukhang nsa beach, hindi prepared

Basta babalik ako sa Boracay! Mag two-piece ako, short at t-shirt. hahaha. See you soon Bora.

-----   Au revoir.   :)  MJ

2 comments:

  1. who wouldnt get excited? pareho pala tayo, 1st plane ride sa boracay ang destination! =)
    ang ganda nung boracay nung 2008!

    ReplyDelete
    Replies
    1. wooohooo...Am I dreaming?!?! :D hehehe...Can't believe na nagcomment sa Blog ko ang one of my favorite blogger :) (sip-sip lang...hehe)

      Thanks...thanks po ng madami Ms. Chyng. :)

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Total Pageviews