Friday, September 07, 2012

Biyahilo sa Norte - Escapades in Region 1

Laguna (elbi) - Manila (Bus Terminal) - Vigan - La Union - Pangasinan (Hundred Islands)- Manila - Laguna /blur

That's what you called road trip, right?!

First time ko bumiyahe at magcommute ng ganito kalayo and I think almost all of us in the group eh first time talaga to. Lahat na ata ng hassle sa pag-commute naranasan na namin sa trip na to. Makipag unahan sa pila, makipagsiksikan, magsiksikan sa isang tricycle dahil sa pagtitipid, makipagsungitan sa pasahero at konduktor, maghabol ng last minute trip, masiraan, mastranded, magutom, abutan ng pagsikat at paglubog ng araw sa lansangan habang bumibiyahe. But still keribels pa din naman, we did enjoyed this trip sobra! At mas lalo pa namin nakilala ang isa't isa. Lumabas ang kanya kanyang topak. Sa awa naman ng Diyos umuwi pa naman kami ng walang labis walang kulang. In short wala naman nagkainitan.

Meeting place: Jollibee Olivarez
Time: 7:00pm

Yung wala po sa picture siya ang late at may matinding pinagdaan bago nakarating sa meeting place.

full tank! getting ready for the long trip........

After ma-full tank at dumating na ang pinaka-late.....now riding the last trip bus bound to Cubao

hindi naman mga mukhang excited di ba?!?!
Sa loob ng paborito naming bus, PARTAS!!! Memorable samin ang bus na to. hahaha....
alive na alive pag may camera.....

memorable eksena sa Partas Bus....

Girl 1: ui, tingnan mo! (excited) yun yung simbahan sa picture di ba?!?! Vigan na tayo!!!
Girl 2: oo nga no! Yun na nga yun, gisingin mo si Ate **** tanong mo kung dito na tayo.
Ate *** : (Naalimpungatan) Hindi pa, malayo pa tayo. Ilang oras pa na biyahe.

------toinks...Basag ang excitement...hahaha


Finally, VIGAN!!!

Emote, emote lang muna sa Partas Terminal bago magtungo sa Casa Teofila kung saan kami mag-stay.

well, hindi yan yung bus na sinakyan namin.....

I ♥ this picture! Parang comics lang....captured na captured ang emosyon but honestly I really can't remember kung  ano talaga pinag-uusapan dito, gawa-gawa ko na lang yan.....(if you want, you can suggest a better script for this one....)

minsan ganyan lang talaga kami mag-usap sa totoong buhay....hehe

Mga 6-7am kami siguro nakarating ng Vigan at dahil medyo maaga pa para gumala nagdiretso na muna kami sa Casa Teofila to get some sleep, relax mode ng konti at mag freshen up. So tanung tanong kung saan matatagpuan si Casa, sakay ng tricycle at yun, medyo malayo pala s'ya sa kabayanan di pala kaya ng lakad mode lang.

Why we choose Casa Teofila?
----hindi ko din alam, hahaha...ng mga panahon na yun hindi ako tumulong maghanap ng hotel, busy ako pagsearch ng kung ano meron at makakain doon.. :)

----this is according to them (sa mga nagsearch ng hotel sa vigan)
1. very affordable - pinakamura na daw sa lahat ng pinagpilian nila, may binigay pang discount
2. anytime pwede mag check-in basta may available na rooms, 24 hours silang bukas at ready mag-accommodate ng guests
3. may cable TV para kay Katya :)


Casa Teofila's receiving area:
--- kulitan mode while waiting for the staff to accommodate us

Ang Duyang Upuan :)

hindi halatang galing sa mahabang biyahe
at dahil maingay daw kami sa labas pinapasok na kami sa loob but not yet sa room nililinis pa daw kasi....

First time makakita ng sofa?!?!

as usual kulitan mode and cam-whoring.........

Hagardoza Verzosa

hey, what's the problem??? :P

teka, sama ako!!!!

may galit?!?! kelangan sakalin talaga??!?!

retouch..retouch...ang BANGS!!!

buti na lang wala sa rules nila ang bawal mag-ingay :)

and finally after the long wait ready na ang room...SUGOD!!!!
Room 201
mga sabik sa kama........
unpacking of things, kanya-kanyang mundo muna...

kahit mga gamit magulo din...hahaha

view sa balcony ng room namin

Rest rest lang and freshen up, now ready to explore Vigan City!!!

-----madami ng gutom kaya kung anu-ano na kinakain, buti na lang nakatalikod....
-----plantsa mode ng buhok!!! (look in the mirror :p)

fresh na fresh na ulit....taralets mga sisterets!!!
This was just the start of the adventures. More of it on my next post. Abangan!!! 


Coming Soon (I don't know how soon it is)

VIGAN
- Crisologo Museum
- Picturesque Calle Crisologo: No Filter!!!
- Calle Crisologo at night

- Bantay Bell Tower
- Goodbye Vigan / Breakfast at Grandpa's

La Union
- Road Tirp to La Union / Florida Bus / Chichacorn for Lunch
- Food Trip sa Beach
- Ang Mani ni Toni
- Gorabels sa Last Trip

Pangasinan
- The Longest Tricycle Trip Ever in a Super Cold Night!
- Lodge/Hotel Hunting sa Madaling Araw
- Wow! Hundred Islands!
- Marcos Island / Imelda Cave / Free Fall
- Pinoy Big Brother PNN Edition
- Islands, Caves, Islands, Caves
- Snorkeling / Jellyfish / Bats
- Kayaking in the Sun

and so on and so forth....

wheeewww....ang dami pala!!! Good luck to me! :) Sana sipagin ako!!!



-----  Au revoir MJ 
 /bye

6 comments:

  1. hahahaha :)) ulaga ka mj..!! baket pati ung mga caught in the act ko kasama..!! wahahaha

    ReplyDelete
  2. ok lang yan!!! ang ganda nga ng moment mo eh...bayaan mo na hindi naman ako nag name drop :P hahaha...pero kita yung picture :P

    ReplyDelete
  3. hahaha...kelangan talaga may Jenny Litratista..hahaha...si Danie ung late..hahaha..peace Danie..:p

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha...syempre para kasama sa eksena, sayang naman yung malaking space sa baba kung walang nakalagay :P

      Lagot ka kay Danie, pinangalanan pa talaga...

      Delete
  4. wow, 1k views and counting xD todo effort talaga

    ReplyDelete
    Replies
    1. yeah! natuwa nga ako...hahaha...Salamat sa pagview nyo at pagcomment :)

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Total Pageviews