Summer time! Time to go to the Beach....
and
I ♥ BEACH but I'm not a BITCH........
The very affordable and accessible beach for our location is Laiya Beach in San Juan, Batangas. Kaya almost every summer ito talaga ang destination namin bukod sa mga hot spring sa Los BaƱos at sa cold spring ng Nagcarlan.
and
I ♥ BEACH but I'm not a BITCH........
The very affordable and accessible beach for our location is Laiya Beach in San Juan, Batangas. Kaya almost every summer ito talaga ang destination namin bukod sa mga hot spring sa Los BaƱos at sa cold spring ng Nagcarlan.
Hindi man siya kasing stunning ng Boracay or other white sand beaches you can still enjoy summer outing here mas mura pa! Madami beach resorts around Laiya area pero kung gusto n'yo talaga ng mura doon na lang kayo sa open for public na part pumunta pwede mag rent ng cottages or magdala na lang ng sariling tent. Kung gusto nyo ng mas magandang view at mas maputing buhangin lakad lakad lang kayo, baybayin nyo lang yung dagat papunta dun sa mga beach resorts but be careful huwag kayo magpapahuli sa mga watch guard ng resorts, itataboy lang naman nila kayo. Tips para di kayo mahuli, kunwari dun kayo sa resort nila nag-stay at stunning dapat outfit nyo para di mapagkamalang busabos. Pero mas ok na mag explore sa gabi tulog na kasi yung mga guard kaya wala na msyado sisita sa inyo yun nga lang pagpapatayan kayo ng ilaw like what we had experienced.
tanghaling tapat - view sa harap ng cottage |
hapon - Si Kuya, ang masipag na taga-linis ng kalat sa buhangin |
pagabi na - palubog na ang araw pwede na mag-swimming (takot sa sun burn) |
Nagrent kami ng jeepney for P1,500.00, 2 days and 1 night na yun from San Pablo to Laiya and v.v.. Doon kami sa open for public para free ang entrance fee compare sa mga commercialized na beach resort dun na medyo may kamahalan eh same lang naman ang tubig na umaagos dun sa dagat. Tapos mura lang naman ang mga cottages sa Laiya yung ni-rent namin 200 lang, open cottage siya sa harap mismo ng beach tapos may dala naman kami tent, dun na lang namin sa tapat itinayo para may secured na lalagyan ng gamit. Tapos yung food nagdala na lang kami ng mga madaling lutuin para makatipid. Puro tipid kami ng panahong to. :)
Posing sa harap ng Tent at Cottage o better be called as Lamesang may bubong |
As usual na ginagawa kapag magkakasama ang barkada, magdamagang kwentuhan, harutan, biruan, bolahan, inumang walang lasingan at wagas na wagas na tawanang kala mo'y wala nang bukas. In short baliwan kasama ng mga kaibigan.
Time for the photo ops: (super pictorial to...)
psssssttttttttt....... |
- literally close na close di ba?!?! Siksikan mode ang peg namin sa pictorial na to.
......pictorial talaga to!
- posing kung posing.....who's your bet for the best pose of the year? :))
----- the usual class picture!
- group pictures, siksikan pa din kahit malawak naman yung space.....
------ pictorial with the boys
- as one of the boys as usual, lalaki daw kasi ako dati :)
------ and finally the over TRENDING picture sa Facebook
- dami ko notification sa FB dahil dito....over sa OA ang reaction ng madlang pipz. hahaha....sinakyan pa ng mokong kaya binaha ng comments. Parang the buzz sa interrogation for almost two weeks after posting this picture. :)
with my Close Friend, Billpot.... as in friend lang po talaga kami :) |
----- Au revoir. :) MJ
Naalala ko nga nung napadpad tayo sa kabilang resort. Ang sarap pa naman at ang saya ng pagmomoment natin don sabay pinatayan tayo ng ilaw. Eh quiet na nga lang tayo para di tayo makaistorbo. Kanila ba yung dagat?? hahaha
ReplyDeletehaha...oo nga, natatawa nga ako habang ginagawa ko, grabe yun eh...pero hyper to the max naman ang saya di ba?! Kelan kaya next outing natin?
DeleteThanks nga pala sa pagbisita sa aking blog. :)
Tignan mo nga naman ang sipag! hahahah!
ReplyDeletesyempre sir paninindigan ko na to di ba?!?! :) Dami ko pa nga dapat ipost di ko magawa busy busyhan pa eh.
Delete