Thursday, September 20, 2012

Pagburnayan: "Ang Halimaw sa Banga"

Aside from Calle Crisologo the famous cobblestone streets in Vigan, Pagburnayan is also one of the tourist spots in Ilocos Sur.

History 101 muna tayo!!! :D

The root word “burnay” is an earthenware jar crafted by a potter’s hands with the aid of a potter’s wheel. It uses fine sand (anay) as a tempering material and fired at a high temperature in a huge brick-and-clay ground kiln that makes it is harder and more durable than other terra cotta.

Ayon sa isang historian ang "Burnay" technology ay dinala ng mga Chinese artisans sa Vigan bago pa dumating ang mga Spaniards noong 1572.

Fidel Go, owner of the Ruby Pottery and descendant of the first Chinese potter who came to Vigan, has his own account of the “burnay” industry’s history in Vigan.  - from www.tarabitab.com

yung tungkol kay Fidel Go talaga ang kinukunan dito

Lets go inside!

Meet Kuya (forgotten na naman ang name....hehe), the super accommodating staff ng Pagburnayan, he tours us around the place with matching demos, explanations and Q&A portion pa. Kitang kita mo yung passion nya sa work nya.
Kuya proudly shows his skills :) ...kakabilib!!!
Ang galing galing n'ya =D> ang bilis makagawa ng isang vase partida na nakikipagkwentuhan pa yan ha.

So here's the finished product.
hindi pa talaga totally finished
/hmm So pag na-amazed na-curious ka kung pano ginawa ang isang bagay at kung madali o mahirap ba s'ya gawin. Kaya naman syempre nakirawraw lang kami. Nag-try din kami maglaro ng putik. 

Subok subok lang. Baka makagawa ng banga paglalagyan ng mga :->~~ halimaw. hahahaha ....Tamang tama kasama namin si Matet from the movie "Ang Halimaw sa Banga"....:-$ ssshhhh, huwag kayo maiingay kung nahulaan n'yo kung sino ha. "Takot ako eh!" /wahaha



Oh di ba ang galing magpanggap, kala mo marurunong. Pero fun fun fun to, ang lamig nung putik tapos nakakatuwa yung pagpadyak dun sa wheel sa ilalim para umikot yung pinaka ibabaw. Parang mga bata lang na tuwang tuwa sa paglalaro ng putik. Well, actually wala naman nakabuo samin ng vase front lang yan, kita nyo same sizes lang yun mga ginagawa namin. Hahaha...naumpisahan na yan ni Kuya pinasubok lang samin for the sake of picture picture at to satisfy our curiosity. Ito talaga ang tunay na pangyayari.

mga panggap!!!
 this is the main evidence...kitams!!! mga dulo lang ng daliri ang naputikan.... /wahaha

kaninong mga kamay to?!?! (see the bracelet)  :))
After ng masayang pagkukunwaring pag gawa ng banga, tour tour lang sa paligid. Nakikiusyoso sa mga professional na potters while doing their job and tingin tingin lang sa mga finished products.

--- and we see this man, ahmm...medyo suplado nga lang si Kuya ;))

malaking banga
Ang laki ng bangang ginagawa nya, kasya na talaga ang halimaw dito. hahaha...At dahil kita ang "ABS" ni Kuya nag request kami magpapicture with him...take note with him and the banga, eh kaso suplado nga nilayasan kami dun na lang daw kami sa banga mag-papicture. /wahaha

 --- so ito ang kinalabasan ng picture
 
busy busyhan lang si Kuya ayaw pa tumingin sa camera

Some of the finished products we've seen around the area.


certified cam whores

Finally aalis na kami, matatahimik na ang mundo nila. Salamat po sa dagdag na kaalaman tungkol sa inyong pottery at sa experienced. :)


Paglabas namin may kalesang nakaparada, yan excited na naman ang mga bata. Papicture sa may kalesa, first time?!?! /wahaha

natakpan na ang kalesa, buti kita oa si horsey
at syempre hindi sila papatalo dapat meron din sila......

birthday lang?!?! :P

kaw naman ang may birthday :))







Time to say good bye to Pagburnayan. Ready for our next destination. Hidden Garden, excited for the most controversial Halo-halo. :)

--- last picture! Tuwang tuwa lang ako dito. 


Habang yung dalawa eh nagtatalo or ewan ko kung ano pinag-uusapan kami ni Ate Kats all SMILE :D sa camera, ready lagi! Yan ang Girl Scout may radar sa flash ng camera. ...hehehe


Hidden Garden's Halo-halo here we come!!! /please


P.S.

Dear Kuya and all the people in the pottery,

Sorry po kung hindi man lang kami nakapagbigay ng donation. hehehe...late ko lang po nalaman na kelangan pala may ganun ganun pa. Hindi naman kasi kayo nagsabi or nag post sa dingding. Babawi nalang po kami sa uulitin, kung meron pa chance na makabalik. hehehe

/please

----Yes, after ng gala na to madami ako nabasa na blog na dapat pala nag bibigay ng tip or donation dun sa pottery. Extra income para sa mga tao dun na napagod mag-explain at mag demo ng mga bagay bagay.


part of the Biyahilo sa Norte - Escaped in Region 1

-----  Au revoir MJ 
 /bye

Wednesday, September 12, 2012

VIGAN: Food Tripping sa Vigan Food Court sa Harap ng Cathedral

DAY 1: After ng mahabang biyahe, rest ng konti sa Casa Teofila, now ready to explore VIGAN CITY!!!

First thing to do, KUMAIN ^o^||3 ....madami ng gutom, last na matinong kain ay nung dinner pa bago umalis ng elbi.

While unpacking things and planning where to go first, may nag-text or tumawag :)] can't remeber which is which, he is a friend's friend / colleague and he is offering to help us to go around the city by letting his cousin to be our tour guide and have a free lunch in their ancestor's home. So,  kami naman gora na lang, nag-aantay na yung car sa baba nakakahiya naman tumanggi at mag-inarte pa. So imaginin n'yo how it is to tour around the city in a car tapos 6 kayo sa loob not including the driver and his little son. Jampack di ba!!!  hahaha...Sardines lang peg namin sa trip na to. You will read more of this Sardines peg issue on my next posts. 

Kuya and his little son

yeah the car!!! imagine us inside...
As usual walang patawad ang ingay namin sa loob ng kotseng, to%-( tapos dada kami ng dada kinakausap yung bata and wala s'ya reaction sa mga sinasabi namin yun naman pala hindi kami naiintindihan hindi siya marunong magtagalog. hehehe...basaga!!!...But the cute little boy learned our expressions....hahaha...all of a sudden naririnig na lang namin siya na ginagaya yung mga expressions namin especially the "whoohoo" expression. Fast learner si bagets!

.....so here how we look like inside the car, syempre kahit siksikan todo smile pa din, may camera eh.

Ate Melodz and me beside the Driver's seat
---- nagkasya naman kami, bawal nga lang magstrech strech, tigkapiraso lang ang upo...hahaha

---- at yung apat bawal ng huminga baka hindi na masara ang pinto...

Ram, Ate Kat, Ate Jen & Danie at back seat
So, before kami mag food trip dumaan muna kami sa cathedral (bait baitan muna) katapat lang naman siya nung food court na pinagdalhan samin ni Kuya, nagbigay pugay muna kami, [-O<  asking for guidance kay Lord na gabayan kami sa paglalakbay na ito...makauwi sana kami ng buo at walang kulang....at maging masaya at maenjoy namin ang whole trip na to, well yan yung panalangin ko di ko alam yung sa kanila.

inside the cathedral
 --- Picture picture din sa labas, hindi makita ang buong Cathedral mga takot kasi sa init  ....
hiding in the shadow

sun bathing sa harap ng cathedral
Tama na yan!!! Kainan na!!! Excited sa sobrang gutom...pero..pero..pero....basta, tingnan nyo na lang ang mga reaksyon nila kung nasarapan ba sila sa mga kinain nila.







Doon kami sa arrow nakatingin :))
----simulan na ang Food Trip >:/

Presenting Vigan Native Cuisine.......

Dish No. 1 = Adobo?!?! haha...hindi ko matandaan kung ano 'to, since mukha syang adobo ipagpalagay na nga lang natin adobo s'ya........

safe food for the not so adventurous


Dish No. 2 = Dinakdakan
                     ---- very close to Tokwa’t Baboy without the tofu. It has a richer flavor because the boiled pork is broiled along with other pig parts: liver, tongue, ears. Finally, poached pork brains are mixed in with the sliced pork and seasoned with Ilocos vinegar, onions, chili peppers, ground black pepper, and a little garlic.

ah eh ih oh uh...kanya kanyang taste buds lang yan!!!

Dish No. 3 = Pipian
                   ----- cooked chicken and pazotes with ground rice

Kung ang taste buds mo eh hindi msyado adventurous huwag ka na mag-attempt na tikman to. Pero better taste it for curiosity purposes para naman malasahan mo yung nalasahan ko huwag ka na lang umorder ng madami, tanong mo si Ate baka pwede free taste muna... ;) or convince your friends na share share nalang kayo matikman lang. Ako nga pinilit ko silang lahat na tikman, syempre damay-damay na...alangan naman na ako lang maka experience nung lasa di ba. [-X

Chicken Arrozcaldo na parang Kare-Kare
Dish No. 4 = Pinapaitan
                      ----- bitter meat dish, made with either beef or goat bile and innards

From the name itself ano pa nga ba inexpect mo magiging lasa nito, syempre mapait?!?! Gawa ito sa laman loob ng mga BITTER sa buhay. Kaya kung ang puso mo'y wasak huwag ka na kumain nito...hahaha...joke lang ;))

spell Bitterness....
Group picture muna with the foods....

         Show me your SMILE guys... :P



Mukhang nag-enjoy naman sa kinain di ba?!?!
 
mga pilit na ngiti :D


 
That's was our first ever breakfast in Vigan City, very memorable. Well I will not be hypocrite hindi ko talaga na-enjoy ang meal na to....hahaha...ikaw ba naman ang gutom na gutom tapos biglang kakaibang pagkain ang matitikman mo mag-aalburuto talaga ang tiyan mo. b-( So,hoping na lang ako na masarap ang next meal namin. [-O<

After this food trip we are now ready to go for some adventures. Sakay na ulit sa kotse, next stop Pagburnayan. See may next post para makita nyo pano kami naglaro ng putik. hehehe


part of the Biyahilo sa Norte - Escapades in Region 1

-----  Au revoir MJ 
 /bye

Friday, September 07, 2012

Biyahilo sa Norte - Escapades in Region 1

Laguna (elbi) - Manila (Bus Terminal) - Vigan - La Union - Pangasinan (Hundred Islands)- Manila - Laguna /blur

That's what you called road trip, right?!

First time ko bumiyahe at magcommute ng ganito kalayo and I think almost all of us in the group eh first time talaga to. Lahat na ata ng hassle sa pag-commute naranasan na namin sa trip na to. Makipag unahan sa pila, makipagsiksikan, magsiksikan sa isang tricycle dahil sa pagtitipid, makipagsungitan sa pasahero at konduktor, maghabol ng last minute trip, masiraan, mastranded, magutom, abutan ng pagsikat at paglubog ng araw sa lansangan habang bumibiyahe. But still keribels pa din naman, we did enjoyed this trip sobra! At mas lalo pa namin nakilala ang isa't isa. Lumabas ang kanya kanyang topak. Sa awa naman ng Diyos umuwi pa naman kami ng walang labis walang kulang. In short wala naman nagkainitan.

Meeting place: Jollibee Olivarez
Time: 7:00pm

Yung wala po sa picture siya ang late at may matinding pinagdaan bago nakarating sa meeting place.

full tank! getting ready for the long trip........

After ma-full tank at dumating na ang pinaka-late.....now riding the last trip bus bound to Cubao

hindi naman mga mukhang excited di ba?!?!
Sa loob ng paborito naming bus, PARTAS!!! Memorable samin ang bus na to. hahaha....
alive na alive pag may camera.....

memorable eksena sa Partas Bus....

Girl 1: ui, tingnan mo! (excited) yun yung simbahan sa picture di ba?!?! Vigan na tayo!!!
Girl 2: oo nga no! Yun na nga yun, gisingin mo si Ate **** tanong mo kung dito na tayo.
Ate *** : (Naalimpungatan) Hindi pa, malayo pa tayo. Ilang oras pa na biyahe.

------toinks...Basag ang excitement...hahaha


Finally, VIGAN!!!

Emote, emote lang muna sa Partas Terminal bago magtungo sa Casa Teofila kung saan kami mag-stay.

well, hindi yan yung bus na sinakyan namin.....

I ♥ this picture! Parang comics lang....captured na captured ang emosyon but honestly I really can't remember kung  ano talaga pinag-uusapan dito, gawa-gawa ko na lang yan.....(if you want, you can suggest a better script for this one....)

minsan ganyan lang talaga kami mag-usap sa totoong buhay....hehe

Mga 6-7am kami siguro nakarating ng Vigan at dahil medyo maaga pa para gumala nagdiretso na muna kami sa Casa Teofila to get some sleep, relax mode ng konti at mag freshen up. So tanung tanong kung saan matatagpuan si Casa, sakay ng tricycle at yun, medyo malayo pala s'ya sa kabayanan di pala kaya ng lakad mode lang.

Why we choose Casa Teofila?
----hindi ko din alam, hahaha...ng mga panahon na yun hindi ako tumulong maghanap ng hotel, busy ako pagsearch ng kung ano meron at makakain doon.. :)

----this is according to them (sa mga nagsearch ng hotel sa vigan)
1. very affordable - pinakamura na daw sa lahat ng pinagpilian nila, may binigay pang discount
2. anytime pwede mag check-in basta may available na rooms, 24 hours silang bukas at ready mag-accommodate ng guests
3. may cable TV para kay Katya :)


Casa Teofila's receiving area:
--- kulitan mode while waiting for the staff to accommodate us

Ang Duyang Upuan :)

hindi halatang galing sa mahabang biyahe
at dahil maingay daw kami sa labas pinapasok na kami sa loob but not yet sa room nililinis pa daw kasi....

First time makakita ng sofa?!?!

as usual kulitan mode and cam-whoring.........

Hagardoza Verzosa

hey, what's the problem??? :P

teka, sama ako!!!!

may galit?!?! kelangan sakalin talaga??!?!

retouch..retouch...ang BANGS!!!

buti na lang wala sa rules nila ang bawal mag-ingay :)

and finally after the long wait ready na ang room...SUGOD!!!!
Room 201
mga sabik sa kama........
unpacking of things, kanya-kanyang mundo muna...

kahit mga gamit magulo din...hahaha

view sa balcony ng room namin

Rest rest lang and freshen up, now ready to explore Vigan City!!!

-----madami ng gutom kaya kung anu-ano na kinakain, buti na lang nakatalikod....
-----plantsa mode ng buhok!!! (look in the mirror :p)

fresh na fresh na ulit....taralets mga sisterets!!!
This was just the start of the adventures. More of it on my next post. Abangan!!! 


Coming Soon (I don't know how soon it is)

VIGAN
- Crisologo Museum
- Picturesque Calle Crisologo: No Filter!!!
- Calle Crisologo at night

- Bantay Bell Tower
- Goodbye Vigan / Breakfast at Grandpa's

La Union
- Road Tirp to La Union / Florida Bus / Chichacorn for Lunch
- Food Trip sa Beach
- Ang Mani ni Toni
- Gorabels sa Last Trip

Pangasinan
- The Longest Tricycle Trip Ever in a Super Cold Night!
- Lodge/Hotel Hunting sa Madaling Araw
- Wow! Hundred Islands!
- Marcos Island / Imelda Cave / Free Fall
- Pinoy Big Brother PNN Edition
- Islands, Caves, Islands, Caves
- Snorkeling / Jellyfish / Bats
- Kayaking in the Sun

and so on and so forth....

wheeewww....ang dami pala!!! Good luck to me! :) Sana sipagin ako!!!



-----  Au revoir MJ 
 /bye
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...

Total Pageviews